LTO Late Registration – Fines and Penalties (2026)

Published: January 22, 2026

Last Updated: January 26, 2026

Sa naunang guide natin, tinalakay natin ang step-by-step process ng LTO registration ng motor at tricycle ngayong taon—online man o personal. Ngayon naman, pag-uusapan natin ang isang bagay na madalas hindi napag-hahandaan ng mga rider at operator: ang penalties at fines kapag late o expired ang rehistro.

Ka-Cycle, tandaan: kahit isang linggong delay, may katumbas na dagdag gastos.

 

Kailan Ka Itinuturing na “Late”?

Late ka na agad kapag hindi ka nakapag-renew ng rehistro sa mismong schedule ng plate number mo, kahit pa valid pa ang OR/CR sa papel. Sa LTO, mahalaga ang renewal deadline, hindi lang ang expiration date.

Kaya kung lumampas ka sa itinakdang linggo o buwan, automatic na may penalty na papasok.

 

Ano ang Mangyayari Kapag Late ang Renewal?

Ayon sa LTO, kahit kaunting araw o linggo pa lang ang delay, may weekly penalty na ipinapataw.

  • ₱100 per week ang penalty para sa motorcycles at tricycles
  • Kahit nasa parehong buwan pa, tuloy-tuloy ang dagdag hangga’t hindi ka pa
    nakakapag-renew

Mukhang maliit sa umpisa, pero habang tumatagal, naiipon ang bayarin.

 

Kapag Lumampas na ng Isang Buwan

Kapag umabot na sa lampas isang buwan pero hindi pa lalagpas ng isang taon, mas ramdam na ang epekto:

May 50% surcharge sa Motor Vehicle User’s Charge (MVUC)
Ibig sabihin, bukod sa regular renewal fee, may kalahating dagdag na agad sa MVUC.

Para sa mga motor na ginagamit sa pang-hanapbuhay, ito ay dagdag gastos na sana’y naiwasan kung on-time lang ang renewal.

 

Higit Isang Taon na Overdue? Mas Mabigat ang Bayad

Kung higit 12 months nang hindi rehistrado ang unit:

  • May 50% MVUC surcharge
  • Dagdag na renewal fee para sa bawat taon na hindi na-renew

Sa puntong ito, hindi na lang ito simpleng delay — malaki na ang financial impact, lalo na kung matagal nang hindi nagagamit ang motor pero balak mo itong ibalik sa kalsada.

 

Pinaka-Delikado: Pagmamaneho ng Unregistered Vehicle

Ka-Cycle, ito ang pinaka-dapat iwasan.

Kapag nahuli ka na nagmamaneho ng unregistered motorcycle o tricycle:

  • ₱10,000 na multa.
  • Posibleng ma-impound ang unit.
  • Hindi mailalabas hangga’t hindi kumpleto ang renewal at bayad ang lahat ng penalties

Hindi lang ito abala — maaari nitong maantala ang trabaho at kabuhayan mo.

 

Situation Penalty/Charge
Within the same month late ₱100/week
1-2 months late 50% MVUC surcharge
>12 months late 50% MVUC + renewal fees per year
Driving an unregistered vehicle ₱10,000 + possible impoundment

 

Paano Maiiwasan ang Penalties?

Simple lang ang susi: maagap at handa.

  • I-check agad ang renewal month ng plate number
  • Ihanda nang maaga ang CTPL insurance at MVIR
  • Gamitin ang LTMS online renewal kung available
  • Kung overdue na, ayusin agad — huwag nang ipagpaliban

Mas mura at mas magaan sa ulo ang on-time renewal kaysa sa penalties.

 

Paalala Lang, Ka-Cycle

Ang LTO registration ay hindi lang requirement — proteksyon ito para sa’yo bilang rider o operator. Kapag updated ang rehistro mo, iwas multa, iwas abala, at tuloy-tuloy ang biyahe.

Kung may OR/CR ka na at ginagamit ang motor bilang puhunan o hanapbuhay, mas mahalagang alagaan ito sa pamamagitan ng tamang compliance.

Basahin din ang updated full step-by-step guide sa LTO registration ng motor at tricycle dito.

Iba pang mga blog:

5 Tips Para Iwas Road Rage sa Pasada

5 Tips Para Iwas Road Rage sa Pasada

minin natin ang pagmamaneho sa Pilipinas ay tila isang “Test of Patience.” Sa gitna ng matinding traffic, singit nang singit na mga sasakyan, at nagbabagang init ng panahon kaya...

Gawing cash ang OR/CR ng motor mo!

Para sa anumang uri ng pangangailangan - pang-tuition, family emergency, o iba pang expenses - maaasahan mo ang Cycle Financing Corp. Mag-apply na upang makatanggap ng fast cash ngayon.

Sangla OR/CR Apply Now