Kung nagpa-Sangla OR/CR ka na, alam mo na hindi ito basta-basta. Para itong relationship: kapag hindi mo inalagaan, baka iwan ka… at kasama pa ang motor mo. Kaya bago ka ma-stress, ma-worry, o ma-repo, eto na ang 5 common mistakes na dapat mong iwasan.
1. Hindi Pagbasa ng Kontrata
Marami ang pumipirma sa kontrata na para bang nag-e-enroll lang sa WiFi. Pero tandaan: ang kontrata ng Sangla ORCR ay hindi TikTok challenge—hindi puwedeng ‘skip’!
Paano ito iwasan? Basahin ang kontrata. Ngayon na. Kung may hindi gets, magtanong ka. Hindi nakakahiya magtanong, ang nakakahiya—ma-repo dahil hindi mo pala alam due date mo.
READ: Borrower Rights Against Vehicle Repossession
2. Late Magbayad (O Minsan, Nakakalimutan Talaga)
Hindi ito tulad ng utang sa kaibigan na puwede mong bayaran kahit kailan mo lang trip. Sa Sangla ORCR, may tamang due date na kailangang sundin—parang pagbabayad mo rin ng ibang bills. Sa Sangla ORCR, ang late payment ay may consequences.
Paano ito iwasan? Set reminders at ‘wag basta umasa sa memorya mo.
READ: Legal Opinion on Vehicle Repossession Due to Payment Delay
3. Pag-aakalang Walang Payment Monitoring
Akala ng iba ay walang monitoring ng iyong buwanang hulog tuwing ikaw ay may loan. Pero hindi ito totoo – ang lahat ay naka-monitor kaya mahalagang magbayad on time para makaiwas sa late penalty fees at mag-maintain ng good payment record.
Kung may concern tungkol sa iyong buwanang hulog, mas mabuting makipag-ugnayan sa financing company o sa collection agency.
4. Hindi Pag-Inform ng Pagpapalit ng Number
Kapag nagpalit ka ng mobile number, mainam na ipagbigay-alam ito sa financing company. Mahalaga na ikaw ay reachable sa buong duration ng iyong loan term.
5. Pagwawalang-Bahala sa Responsibilities Bilang Borrower
Ang loan contract na iyong pinirmahan ay legally binding, meaning may kaakibat na responsibilities at duties ang pagpasok sa isang loan agreemeent. Mahalagang alam mo ang duties at responsibilities ng isang borrower para makaiwas sa penalty o iba pang charges. Mahalaga ito upang maprotektahan ang rights mo bilang borrower at interest ng financing company.
Final Word
Hindi requirement ang pagiging perfect borrower. Ang kailangan lang ay responsibility, honesty, at konting disiplina. Alagaan ang motor, alagaan ang credit standing, at higit sa lahat— alagaan ang peace of mind mo.
Fred believes in the power of storytelling, a passion that shapes how he communicates and brings fresh, meaningful insights to his work. As a Business Development Officer at Cycle Financing Corp., he helps create financing programs that genuinely understand and support the needs of tricycle and motorcycle riders.





