Frequently Asked Questions

Welcome sa FAQ page ng Cycle Financing Corp! Dito mo makikita ang mga pinaka-madalas itanong tungkol sa aming motorcycle at vehicle financing services, requirements, terms, at application process.

Frequently Asked Questions

General Questions

Ano ang sangla OR/CR?

Ang sangla OR/CR ay uri ng secured loan kung saan gagamitin mo ang Original Receipt (OR) at Certificate of Registration (CR) ng iyong sasakyan bilang collateral—pero hindi mo kailangang iwan ang mismong motor o tricycle.

Ano ang mga loan products ng Cycle Financing?

Nagbibigay ang Cycle Financing Corp. (CFC) ng sangla OR/CR para sa:

  • Motorcycles

  • Tricycles

  • Tricabs (Bajaj RE)

  • Big bikes
Saan located ang mga branches ninyo?

Para makita ang complete list ng branches, bisitahin ang website: Our Branches

Kung wala pa ang location mo sa listahan, pwede ka naming i-process online. I-click lamang ang Apply Now

Kailangan bang iwan ang motor o tricycle para makapag-loan?

Hindi. OR/CR lang ang kailangan naming iwan bilang collateral.

Kailangan ba original OR/CR ang dalhin o pwede photocopy lang?

Kailangan ang original OR/CR para sa verification at collateral.

Meron pa akong ibang concern. Paano ko kayo makokontak?

Pwede sa:

Requirements & Qualifications

Ano ang requirements?

Para makapag-apply ng sangla OR/CR loan, kailangan ang mga sumusunod:

  • Original and updated OR/CR

  • Dalawang valid government ID

  • Proof of income

  • Latest electric/water billing
Ano ang acceptable proof of income?
  • Employed: Company ID, COE, 2 months payslip

  • Business owner: Business permit o Mayor’s permit

  • Remittance/pension/allotment: 3 months proof of remittance o bank statement

  • Rider: Rider ID, app profile o certificate, transaction history

  • For hire/TODA: MTOP o franchise

Anong motorcycle brands ang tinatanggap?

Motorcycles:
Yamaha, Honda, Suzuki, Kawasaki, KTM, Kymco, CFMoto, Ducati, Royal Enfield, Vespa, Husqvarna, Bristol, Aprilia, Harley-Davidson, BMW, Benelli, QJMOTOR, Can-Am, FKA, Peugeot, Fekon, Indian Motorcycle

Tricycles:
Honda, Suzuki, Yamaha, Kawasaki, MMC, Skygo, Euro Motor, Motor Star, Rusi, Racal, TVS, Motoposh, Piaggio, at iba pa.

Anong mga profile ang hindi muna tinatanggap ng CFC?
  • Deed of sale clients

  • 3rd owner ng unit

  • Renting at remittance as income

  • Renting + partner rider as income

  • Renting for less than 3 years

Kung nagre-renta ka, qualified kung:

  • At least 3 years nang nagre-rent, at

  • Regular employee o business owner with at least 2 years in operation
Pwede bang mag-apply kung ang unit ay hindi pa fully paid (ongoing financing)?

Hindi. Kailangan fully paid at hawak ang original OR/CR.

Kailangan bang updated ang rehistro sa LTO?

Pwede kahit expired basta hindi lalagpas ng 3 years.
Upon approval:

  • Initial release: ₱3,000

  • Full release: Kapag updated na ang rehistro

Pwede bang mag-apply kahit hindi nakapangalan sa’kin ang OR/CR?

Kailangan ang registered owner ang mag-apply.

Pwede ang may deed of sale, pero kailangan muna matapos ang transfer of ownership bago ma-release ang loan.

Applying for a Loan

Paano mag-apply ng loan?

Pwede online! Narito ang mga step:

  1. Mag-message sa Cycle Financing Corp. Facebook page o mag-fill out sa website.
  2. Tatawag ang agent para sa initial screening.
  3. Isend ang requirements.
  4. Hintayin ang review at approval (1–2 days).
  5. Kapag approved, i-follow ang instructions para ma-claim ang cash.

Note: Hindi naniningil ng processing fee ang CFC at employees para i-process ang loan.

Gaano katagal bago ma-approve ang loan application?

Pwedeng ma-approve ng 1–2 days, basta may kumpletong requirements.

Ano pa ang ibang mga detalye sa sangla OR/CR?

Loan details – Motorcycle Sangla OR/CR

  • ₱10,000 – ₱150,000
  • Year model: 2016 and up
  • 60% appraisal rate of FMV

Loan details – Tricycle Sangla OR/CR

  • ₱10,000 – ₱50,000
  • Year model: 2014 and up
  • 2010–2013 (subject for approval)
  • 65% appraisal rate of FMV

Loan details – Bajaj RE (Tricab)

  • ₱10,000 – ₱80,000
  • Year model: 2018 and up
  • 65% appraisal rate of FMV

Loan details – Big Bikes
Japan brands:

  • ₱10,000 – ₱500,000
  • Year model: 2016 and up
  • 50% appraisal rate

Other brands:

  • ₱10,000 – ₱300,000
  • Year model: 2016 and up
  • 40% appraisal rate
Ano ang loan terms?
  • Motor & tricycle: 12–24 months
  • Big bikes: 12–36 months
Paano ko mache-check ang status ng application?

Para sa update ng iyong loan application, i-contact ang branch kung saan ka nag-apply.

Payment, Rates, & Fees

Magkano ang interest rate?

3.25% per month.

May processing fee ba?
  • 7% for tricycles
  • 7.5% for motorcycles
Magkano ang pwede kong ma-loan?

Motorcycles: ₱10,000 – ₱150,000
Tricycles: ₱10,000 – ₱50,000
Bajaj RE: ₱10,000 – ₱80,000
Big bikes:

  • Japan brands: up to ₱500,000
  • Other brands: up to ₱300,000

Note: Depende pa rin sa appraisal based on FMV (Fair Market Value).

Paano magbayad ng monthly amortization?

Pwedeng magbayad ng iyong monthly amortization sa Cycle Financing through:

  • ECPAY
  • Cebuana Lhuillier
  • GCash

OR/CR Release

Paano ko makukuha ang OR/CR ko?

Pwede lang mag-request ng pullout sa branch kung saan ka nag-apply, at after final payment.

Gaano katagal ang pullout?

Usually 7–10 working days, excluding weekends at holidays.

Saan ko kukunin ang OR/CR?

Sa same branch kung saan ka nag-loan.

Gusto kong malaman ang status ng pullout.

I-contact sa branch kung saan ka nag-apply para sa latest update.

CFC Branches

NCR

NCR

North Luzon

North Luzon

Central Luzon

Central Luzon

CALABARZON

CALABARZON

Visayas & Mindanao

VisMin

Gawing cash ang OR/CR ng motor mo!

Para sa anumang uri ng pangangailangan - pang-tuition, family emergency, o iba pang expenses - maaasahan mo ang Cycle Financing Corp. Mag-apply na upang makatanggap ng fast cash ngayon.

Sangla OR/CR Apply Now